Just somEthiNg unusual

Posted on Updated on

Sa lahat ng bagay dito sa mundo, may isang bagay, maliit man o malaki, ang pinapahalagahan natin. Kahit ano pa mang flaws nito or kahit anong depekto. Basta ba mahalaga ito para sa atin, aalagaan at aalagaan natin ito. Hindi ko alam pero, para kasi sa akin, wala nang mas hahalaga pa sa bagay na meron tayo. Lahat ng tao meron nito. Kahit nga ang isang 4 years old na bata meron. Ito ay ang matalik nating kaibigan.

According to some articles I’ve read and also from different stories, ang mga kaibigan mo daw ay hindi lahat totoo sa’yo. And when it comes to heavy circumstances, ay wala sila. Pero, may ISANG tao pa rin talaga ang nan’diyan para sa atin.

Oo, madami ka ngang kaibigan, pero lahat ba sila totoo sa’yo? Lahat ba sila tinuturing kang kaibigan? Lahat ba sila mapagkakatiwalaan? I guess not. Kasi, kahit ako nga hindi ko lubos maisip na, kahit sabihin kong si ganyan ang best friend ko, sina ganito ay ang matalik kong mga kaibigan, babagsak at babagsak pa rin talaga ako sa isang taong ‘yun.

Nakilala ko siya mga Grade 3 ako nun eh. And, what a coincidence, our very own mothers were former classmates back in their college years. I don’t what to feel aside from being euphoric. Sabi ko nga sa sarili ko, “Ay, gusto ko pa siyang kilalanin ng lubusan.”

Kaso lang, when the Grade 4 school year comes, lumipat na sila ng tirahan. Sad to say, but I didn’t say good bye man lang sa kanya because I didn’t got any chances. But if there is one, I’ll take it no matter what.

After 3 years, we finally met again. That was when I was Grade 7. And, we have the same place. Just beyond some houses and countless roads. And I’m pretty grateful as if I have take on some drugs.

Everytime we talk, para sa akin lahat ‘yun may sense. Lahat ng mga salitang binabato namin sa isa’t-isa may laman. No emptiness. Just pure bliss and happines is what I feel. And, kahit sa private message lang, like text message, viber, facebook messenger and any other communicating ways, napapangiti ako. Tapos, siguro ganun din siya kasi inaamin naman niya ang lahat ng bagay na ito sa akin. Para daw siyang luka-lukang babae na tawa ng tawa mag-isa kaharap ang cellular phone niya.

We don’t feel anything. Like, those ‘strings attached’; they are all nothing for the both us. I guess, it’s for our friendship to last longer. Ang awkward nga naman kung ganun ang mangyayari hindi ba? Tsaka, nakakatakot kaya i-risk ang mga bagay na ang hirap buuin.

KAIBIGAIN – your companion, your guide, your strength, your heart, your soul. Every tears of joy or every tears of sadness, nan’dyan siya. Kaya, kahit maliit na bagay pa ang meron ka, panghawakan mo. Ang akin nga maliit, pero cute naman.

I just want to thank the Heavens for sending forth a best friend like her. I promise to love her as far as I can and I’ll take care of her as a mission while defeating the odds.

Advertisements

Lalaki – Manloloko ; Babae – Niloloko

Posted on

“Every girl deserves to be treated right and equal. But, every boy needs to know how to treat one.”

Alam mo yung tipong gusto mo magmahal kaso takot kang magmahal kasi baka masaktan ka o makasakit ka. Pero, sa nakikita ko ngayon, madaming tao ang nagsasabing lalaki daw palagi ang may kasalanan kung bakit madaming nagbrebreak at madaming nasasaktan na babae.

Ano ba ang gusto mo? Relasyong walang sakit sakit? At puro kasiyahan at katamisan lang? Kaumay naman ‘yun. Tsaka, bakit ba lalaki lagi ang may kasalanan? ‘Di ba pwedeng babae naman? I mean, yes, masasabi mong ang isang lalaki ay loko-loko pero, kailangan bang lahatin mo?

“Ang mga lalaki talaga, manloloko.”

“Wala ng matinong lalaki ngayon.”

Oh really now? Paano mo naman nasabi? NO OFFENSE TO GIRLS HA? Pero, why do you always blame guys? Sila lang ba ang may kakayahang manloko?

Sabi ko nga sa kausap ko noon, “Wala naman manloloko kung walang magpapaloko.”

Hindi naman sa I’m blaming those girls who’ve been hurted and left, pero sabi kasi ng ibang tao, GIRLS ARE BETTER THAN BOYS. So, I’m expecting na mas matalino ang mga babae kaysa lalaki, then dapat in the first place, alam na nilang niloloko sila. ‘Di ba?

Sa lahat ng lalaking manloloko, sana matauhan na kayo. Sana isipin niyo rin yung mga babaeng umiiyak ng dahil sa inyo. I mean, I do understand you all. Kaya kayo nagpapaka-playboy to prove your ‘manliness’. Sa pagkakaalam ko kasi, ang magmahal ka ng tapat at responsable, dun mo mapapatunayan ang pagkakalalaki mo. You just need one, not many to prove something worthy.

And, sa lahat ng babae. Minsan kasi, intindihin niyo rin yung mga lalaki. Kasi, sa pagkakaalam ko, lagi kayo ang iniintindi ng mga lalaki in the first place, ALWAYS. Why don’t you try to put your shoes on a guy’s shoes? Para naman malaman niyo ang nararamdaman ng mga lalaki. Tsaka, dapat careful din kayo sa mga ginagawa at sinasabi niyo. Kung ayaw niyo sa isang lalaki, huwag niyo na lang bigyan ng motibo, kayo lang mapapasama d’yan. Be careful in whatever you do, there are pair of eyes watching you.

#JustSaying Wala akong gusto patamaan o saktan. I’m just saying my own opinion about this issue. Thank you so much! 😉

Myself

Posted on Updated on

“Madami akong nakikilalang tao dito sa mundo. Iba’t-ibang complexion, ugali, height, weight, gender, pananaw sa buhay, iba’t-ibang ways sa buhay nila. Pero, bakit ganun? Sa pagkakaiba, may nahahanap pa rin tayong flaws o mga dahilan para manghusga.”

As a teenager, I did encounter many people. I made friends and companions. In fact, sila ang nagiging sandigan ko sa lahat ng bagay; mahirap man o madali, malungkot man o masaya. Pero, hindi mo talaga maipagkakaila na may mga taong huhusgahan ka pa rin talaga. Ni-hindi ko nga lubos maisip na sa mismong kaibigan ko pa manggagaling ang mga salitang ayaw kong maririnig.

Total, nan’dito na rin naman ako at nagmomoment, may ikwekwento ako sa inyo.

Nasa isang mall kami kasama ko ang mga “kaibigan” ko. Siguro, tatlo kaming lalaki at tatlo ding babae. Ayaw ko ng pangalanan pa.

Bored kami ng mga oras na ‘yun. Ikaw ba naman ang magpalakad-lakad sa loob ng mall without doing anything more wonderful or more enthusiastic? At dahil bored nga kami, napagdesisyunan naming pagtaguan ang isa naming kaibigan.

Pumasok kami sa isang accessories store. At ng makakuha kami ng tyempo, takbo agad kami ng mga kaibigan ko. Pero, me being me, nasabi kong “’Wag na natin siyang taguan. Baka magalit.”

Pero, hindi ko inaasahan ang mga sumunod na mga salita, “Napakahina mo naman!”

Call me overreacting, call me pathetic. But, you can’t blame me. Sa mga salitang ‘yun, parang double ang balik sa akin. Double meaning kumbaga. Oo, aaminin ko, malamya ako, parang ang mga galaw ko ay napakahinhin at galaw babae. In short, Hindi ako bargas o magaslaw. Pagkatapos ng mga sandaling ‘yun, hanggang sa pag-uwi, iniisip ko pa rin ang mga katagang ‘yun.

“Every little things existing can cause trouble or euphoria to a certain person.”

Siguro nga, kahit maliit na bagay, malaki na ang epekto. Katulad ng mga salitang babanggitin at mga binanggit mo sa isang tao.

Ako bilang ako, madaming bagay na ayaw ko. Oo, alam ko namang may mga taong ayaw din sa akin. Pero, so what? As if I give a tender care.

Una: Ayaw KO ng betrayals and trust issues.

Once you said “trust”, big word na agad ‘yun. Ayaw ko namang magkaroon ako ng trust issue sa isang taong pinagkatiwalaan ko ng matagal na panahon. Betrayals. Hmm, wala pa naman akong naeencounter, pero sana, sana talaga ay hindi ko na maencounter pa.

Pangalawa: Ayaw ko ng nilalait ang katawan ko. Yung tipong, alam ko ng ganito ako, ganyan ako, eh kailangan mo pang sabihin at isampal sa mukha ko.

Isa akong mataba at pangit na tao. O yung tipo ng taong walang maipagmamayabang in physical terms and aspects. Tanggap ko naman ‘yun. Yun kasi ang pamanang binigay ng Diyos sa akin. Tanggap ko naman talaga. Pero, yung lalaitin ako nang harapan o patalikod man, dun ako nagagalit. Kasi, nasampal ko na sa sarili ko, isasampal mo pa sa akin? ‘Wag ganun. Bad ‘yun.

Pangatlo: Ayaw ko ng niyayabangan ako.

Let’s  just say na, oo mayabang din ako. In general kasi, lahat naman tayo mayabang. O, wag mong sabihin sa akin na, hindi ka pa nakakapagyabang sa tanang buhay mo? Pero, may mga tao talagang, nasosobrahan. Yung tipong nakakainis na at ang sarap sapukin sa ulo! Ewan ko. Magyabang na kayong lahat sa iba, huwag lang sa akin. Nako, at makikita niyo ang other side ko.

Pang-apat & for the last: AYAW KO NG IKINUKUMAPARA AKO.

We do have our own uniqueness for Pete’s sake! Bakit ba kailangan pang ikumpara mo sa ang isang tao sa isa pang tao? Why don’t you just accept the fact that we are all different. Nakakainis lang kasi, alam mo sa sarili mo ang limits mo, at flaws mo. Pero, dahil hindi nga makita ng iba, ikinukumpara ka nila sa iba.

Ako, wala naman akong masyadong gusto, basta ba if that one thing treat me right, I’ll treat that thing better.

Marami ka pang makikilala dito sa mundo. Iba’t-ibang tao. May mahahalin ka. May sasaktan ka. May pasasayahin ka at vice versa. May kukulitin ka. May mang-aasar at mang-aasar sa’yo. May magiging kaibigan ka pa. Pero, dapat mahal at kilala mo ng lubusan ang sarili mo.

AKO? I LOVE MYSELF AND I’M HAPPY WHERE I AM NOW.

My name is, Esteve Ryan Bueno-Mendoza. 15 years old. 5″5′ in height. Fat. Book & music lover. Food enthusiast. Future Financial Manager. Myself…whom I love and known so much. 🙂